-- Advertisements --

sobejana1

Tiniyak ni newly-installed Philippine Army chief Lt Gen. Cirilito Sobejana na hindi maaabuso ang bagong batas na Anti-Terror Law of 2020 sa ilalim ng kaniyang pamumuno.


Ito’y sa kabila ng pangamba ng mga kritiko na mismo ang mga tagapagpatupad ng batas ang aabuso dito.

Ayon kay Sobejana habang siya ang commanding general ng Philippine Army kaniyang sisiguraduhin na tumutupad sa batas ang mga sundalo.

Binigyang-diin ni Sobejana na itataguyod ng Philippine Army ang “rule of law”, pag-galang sa karapatang pantao at pagtalima sa international humanitarian law sa kanilang pagtugis sa mga kalaban ng estado.


Kaniyang sisiguraduhin na ang bawat sundalo ay mag-e-“exercise” ng “self-restraint” at disiplina sa pagpapatupad ng Anti- Terrorism Law.

Sinabi ni Sobejana, sa gitna ng pagka-abala ng mga sundalo sa paglaban sa pandemya ay realidad parin ang pagsugpo sa terrorismo partikular sa Mindanao.

Naniniwala naman ang heneral na sa pamamagitan ng kooperasyon ng komunidad at ibat-ibang stakeholders hindi malayong mapagtagumpayan ang kampanya laban sa terorismo, at insurgency.

Siniguro naman ni Sobejana sa publiko na lalo pang palalakasin ng Army ang kanilang paglilingkod sa bayan at ipagtanggol ang mga ito laban sa mga kalaban ng estado at mapanatili ang peace and order.