-- Advertisements --

NAGA CITY – Ipinatupad umano ngayon sa news blockout sa sakit na coronavirus disease (COVID-19) sa bansang United Arab Emirates upang maiwasan ang pag-panic ng mga tao sa lugar.

Sa report ni Bombo International correspondent Kinneth Dacara, sinabi nito na sa ngayon limitado na lamang ang mga nakukuhang impormasyon ng mamamayan sa totoong sitwasyon ng bansa sa nasabing sakit.

Ayon kay Dacara, pinaniniwalaang may kaugnayan na rin ito sa nalalapit na Dubai Expo 2020, kung saan ito ay isa sa malaking pagdiriwang sa bansa.

Aniya, mas pinahigpit na kasi ng gobyerno ang pinapatupad na seacurity measures sa bansa para maiwasang kumalat ang naturang sakit.

Nagpatupad na rin aniya ng kautusan na dapat lahat ay nakasuot ng facemask lalo na kung lalabas at sasakay sa mga pampublikong sasakyan tulad na lamang ng tren at bus.

Ang sinuman aniyang mahuhuli na hindi sumunod sa kautusan ang mayroong multang 600 dirhams.

Sa ngayon mayroon nang 28 kaso ng COVID-19 sa nasabing lugar.