-- Advertisements --

Ibabalik na ng Facebook ang mga news contents para sa mga users nito sa bansang Australia.

Kasunod ito ng ilang araw na hindi ipinapalabas ng nasabing social media giant ang mga news conten dahil sa batas na pinagbabayad ang mga ito ng Australian government sa bawat balita na ilabas nila.

Kinumpirma ni Australian Treasurer Josh Frydenberg na nakausap niya mismo si Facebook chief Mark Zuckerberg at sinabing tatanggalin na rin nila ang nasabing ban.

Ang nasabing paraan ay isang hakbang para sa muling pagbabalik ng pakikipagkaibigan nila sa Facebook.