-- Advertisements --
Neymar
Neymar/ IG post

Kabilang pa rin sa listahan ng mga manlalaro ng Brazil si Neymar para sa gaganaping friendly game laban sa Colombia.

Kasunod ito ng isyung paglipat niya sa Barcelona.

Ayon kay Paris Saint-Germain coach Tite, labis ang kasiyahan ni Neymar nang mapili muli siya sa nasabing koponan.

Magugunitang nagtamo ng ankle injury ang tinaguriang world’s most expensive player kaya hindi rin ito nakapaglaro sa Copa America noong nakaraang buwan.

Ibinasura rin ng Brazil ang imbestigasyon sa alegasyon na panggagahasa sa kaniya dahil sa kawalan daw ng ebidensiya.