Kinumpirma ni football star Neymar na maaring ang 2026 World Cup ay kaniyang huling paglalaro.
Tiwala rin ito na makakapag-qualify ang Brazil para sa finals ng North America.
Dagdag pa ng 32-anyos na attacker na kaniyang gagawin ang lahat para makapasok ang Braziil.
Matapos kasi ang 12 ng 18 rounds ay nasa pang-limang puwesto ang Brazil sa 10-nation group.
Ang nangungunang anim na bansa ng tiiyak na makakapaglaro na sa World Cup.
Nagsimula si Neymar sa Brazil sa unang apat na qualifying games pero ito ay nagtamo ng injury sa pagkatalo nila sa Uruguay noong Oktubre 2023.
Matapos ang isang taon ay bumalik ito sa paglalaro sa Saudi club na Al Hilal kung saan dalawang beses itong naglaro noong Oktubre at Nobyembre.
Hindi naman nito binanggit kung tuluyan itong maglalaro sa Saudi Arabia team matapos ang paglalaro niya sa Brazil.