Tuluyan nang sinibak ng Office of the Ombudsman si National Food Authority (NFA) Administrator Jason Aquino.
Ito’y makaraang mahatulang guilty ang opisyal sa grave misconduct dahil sa smuggling ng $680,000 o katumbas ng P34.68 million na halaga ng Vietnamese rice na nailusot sa Cagayan de Oro Port.
Ang desisyon ay naihanda noon pang Abril 4, 2019 na pirmado nina Ombudsman Samuel Martires at Special Prosecutor Edilberto Sandoval.
Maliban kay Aquino, tanggal din sina Tomas Alcid, na dating district collector ng Port of Cagayan de Oro at Geniefelle Lagmay, na Customs liaison officer para sa NFA.
Nabatid na nag-ugat ang kaso sa criminal complaint para sa graft at economic sabotage na inihain ni Sen. Panfilo “Ping†Lacson noong Setyembre 2017.
Una rito, nakasama rin sa reklamo si dating Customs Commissioner Nicanor Faeldon, na ngayon ay naging pinuno ng Bureau of Corrections.
Ang nasabing usapin ay inaasahang sasalang na sa preliminary investigation para sa criminal aspect.