-- Advertisements --
Inaprubahan na ng National Food Authority (NFA) Council ang mungkahing ibenta ang mga lumang bigas sa halagang P29/kilo.
Bagaman luma, tiniyak naman ng NFA na maganda pa rin ang kalidad ng mga naturang bigas.
Ayon kay Agriculture Secretary at NFA Council Chairperson Francisco Tiu Laurel, Jr., ibebenta ang mga naturang bigas sa vulnerable sector sa pamamagitan ng Kadiwa Network.
Ayon sa kalihim, maaaring maka-avail dito ang mga persons with disability, solo parent, senior citizen, at mga mahihirap na pamilya.
Bawat benepisyaryo aniya ay makakabili hanggang sampung kilo ng naturang bigas kada buwan.
Tinawag naman ang naturang bigas bilang ‘bigas29’