-- Advertisements --

Nilinaw ngayon ng National Food Authority (NFA) na tanging sa mga lehitimong magsasaka lamang sila bumibili ng bigas at hindi sa mga pekeng kooperatiba na nagsisilbing front ng mga kahina-hinalang traders.

Ginawa ng NFA ang naturang pahayag matapos atasan ni Agriculture Sec. Emmanuel F. Piñol si NFA OIC Administrator Tomas R. Escarez na habulin ang mga pekeng kooperatiba.

Inilabas ni Piñol ang nasabing kautusan matapos niyang makita ang mga social-media posts ng mga lider ng magsasaka sa Central Luzon na nagsasabing ginagamit ng mga traders ang mga “inactive” cooperatives para magbenta ng palay sa NFA para lubusin ang P20.70 per kilogram buying price ng ahensya.

Sinabi ni Escarez na makikipagpulong siya sa mga opisyal ng NFA Region III para silipin ang alegasyon hinggil sa mga pekeng kooperatiba na nagbibenta ng palay.

Sa isang statement, iginiit ni Escarez na hindi nila papayagan ang aniya’y “nefarious activities” ng mga pekeng farmer groups o kooperatiba na guluhin ang procurement operations ng pamahalaan.

Ayon kay Escarez, may ipinapatupad silang procedure para matiyak ang legitimacy ng mga magsasakang nagbibenta ng kanilang ani katulad na lamang ng ibinibigay .

Kailangan daw na magkaroon muna ng mga magsasaka ng master passbook bago nmaibenta ang kanilang aning palay sa NFA.