-- Advertisements --

Dinagdagan na ng National Food Authority (NFA) ang kanilang rice buffer stock, alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na pa-igtingin ang pagbili ng palay mula sa mga Pilipinong magsasaka.

Ayon kay Palace Press Officer USec. Claire Castro, sa ganitong paraan kasi masu-suportahan ang kabuhayan ng mga magsasaka, at masisiguro ang sapat na supply ng bigas sa Pilipinas.

Sinabi ng opisyal na base sa pinakahuling datos ng NFA, nasa 10.1 million ang sako ng palay mayroon ang tanggapan, habang nasa 1.2 million naman ang naka-imbak na sako ng bigas.

Sapat aniya ang nasabing bilang para sa 10 araw na konsumo ng buong bansa.

Dagdag pa ng opisyal ito na ang pinakamataas na imbentaryo ng NFA, mula pa noong taong 2020.

Una ng inihayag ng NFA na mayroong natitirang PhP12 billion para sa patuloy na pagbili ng palay, ngayon summer harvest.

” Dinagdagan na ng National Food Authority ang kanilang rice buffer stock alinsunod sa direktiba ni Pangulong Marcos Jr. na paigtingin ng NFA ang pagbili ng palay mula sa mga lokal na magsasaka, isang hakbang para suportahan ang kabuhayan nila at tiyakin ang sapat na supply ng bigas sa bansa. Sa pinakahuling tala noong April 24 ng NFA, may 10.1 milyong sako ng palay at 1.2 milyong sako ng bigas ang NFA na sapat para sa sampung araw ng konsumo ng bansa – ang pinakamataas na imbentaryo mula pa noong 2020. Ayon kay NFA Administrator Larry Lacson, may natitirang 12 bilyong piso para sa patuloy na pagbili ng palay ngayong summer harvest. Dagdag pa ng NFA, ang tuluy-tuloy na pagbili ng palay ay hindi lamang para sa mga magsasaka kung hindi para rin sa mga pagbibigay ng mas abot-kayang bigas sa mamamayan,” pahayag ni USec. Claire Castro.