Nakahanda ang National Food Authority na maglabas ng bigas para sa mga sinalantang local na pamahalaan dahil sa hagupit ng bagyong Kristine.
Ayon kay NFA Administrator Larry Lacson, inactivate na nila ang lahat ng kanilang warehouses para agad na makatugon sa request ng mga apektadong lugar.
Aniya, bukas ngayon ang lahat ng NFA offices at inatasana din ang lahat ng kanilang personnel na maging alerto, magbigay ng tulong Kahit hindi bigas Lalo na sa Region 5 o Bicol region na nakakaranas ngayon ng matinding pagbaha na abot bubong na ang taas.
Samantala, nagpapatuloy ang inspeksiyon sa mga NFA warehouse sa Valenzuela, Bulacan at Tarlac para matiyak ang maayos na pagpapalaba ng rice stock habang tinatahak ng bagyo ang hilagang kanlurang direksiyon.