-- Advertisements --

Humingi ng paumanhin ang National Food Authority kay Ombudsman Samuel Martires nang dahil sa kabiguang nitong makapagbigay ng listahan ng mga bodega na hiniling ng Department of Agriculture.

Ito ay may kaugnayan pa rin sa ginagawang imbestigasyon ng Ombudsman hinggil sa mga kontrobersiyang bumalot sa naturang ahensya nang dahil na rin sa ilang mga katiwalian na napaulat.

Kasunod nito ay tiniyak naman ni NFA OIC Administrator Lacson Kay Martires ang kanilang buong makikipag kooperason as Ombudsman sa ginagawa nitong pagsisiyasat sa nasabing isyu.

Dito ay nagpahayag ng kasiguraduhan ang opisyal na agad na magsusumite ng anumang dokumento ng kakailanganin para sa imbestigasyon ng nasabing kaso.

Kaugnay nito ay binigyan din ng NFA ang Ombudsman ng certification mula sa Administrative and General Services Department pahinggil naman sa hinihingi nitong listahan ng mga empleyado ng mga bodega na naka-leave, retirado, at maging ang mga patay na.

Kasunod nito ang nadiskubreng errors ng mga otoridad sa listahan ng mga respondents na isinumiteng sa DA at kalauna’y ipinasa naman sa Office of the Ombudsman bilang bahagi ng kanilang imbestigasyon.

Matatandaan na dahil dito ay isinailalim ng Ombudsman sa under preventive suspension ang nasa 139 NFA employees at officials na kalauna’y binago muli ni Ombudsman Samuel Martires Kung saan binabaan na lamang sa 23 NFA employees ang kanilang pinatawan ng suspension order batay na rin sa naging rekomendasyon ng mga imbestigador.