-- Advertisements --
Ibebenta ng National Food Authority (NFA) ang ilan sa mga stock nitong bigas sa mga local government units (LGUs) sa Metro Manila.
Ito ay upang mapalawak ang pagkakaroon ng abot-kayang bigas sa mga pamilihan.
Ayon kay Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr., ibebenta ng NFA ang kanilanh dalawang buwang gulang na stock ng bigas sa halagang P38 kada kilo sa mga LGU, na ibebenta naman ito sa publiko sa abot-kayang presyo.
Dagdag ng kalihim, na namumuno din sa NFA Council, ang inisyatiba ay makatutulong sa NFA na itapon ang ilan sa mga stock nito dahil sa papalapit na harvest season.
Bibili rin aniya ang NFA nang malinis at tuyong palay sa mga susunod na linggo sa minimum na P23 kada kilo.