-- Advertisements --

Magsisimula na sa susunod na Linggo ang pamamahagi ng National Food Authority (NFA) na mga bigas sa Kadiwa store at mga piling pamilihan.

Ayon kay NFA Adminstrator Larry Lacson, na para magkaroon ng espasyo ang mga bodega ng NFA dahil sa nalalapit na ang panahon ng anihan ay kanilang babawasan ang mga laman ng mga ito.

Ilan sa mga bodega na kanilang babawasan ay sa Ilocos Region, Cagayan Valley, Central Luzon, Western Visayas at SOCCKSARGEN.

Sa ilalim kasi ng food security emergency ay maaari na nilang ilabas ang nasabing mga bigas base na rin sa kautusan mula sa Department of Agriculture.

Dagdag pa nito na ang mga lumang stock na bigas ay maibebenta nila ng P29 kada kilo na ito esklusibong ibebenta sa seniro citizen, persons with disabilities, solo parents at mga benepesaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps).