-- Advertisements --

Ipinagmalaki ng National Food Authority (NFA) ang pagkakaroon ng competitive buying prices kay nagkaroon ng pagtaas ng kanilang stocks.

Sa buwan pa lamang aniya ng Oktubre aymayroong 2.5 milyona na bags ng mga palay ang kanilang nabili mula sa mga magsasak.

Ang nasabing bilang ay mas mataas ng 263.9 percent kumpara noong nakaraang taon sa parehas na buwan.

Ang nasabing bilang ay katumbas ng 79.98 percent ng target ng NFA na 3.1 milyon bags.

Isa sa mga naging susi nito ay ang magandang ani sa pangunahing cropping season.

Tiwala sila na tuluyang dadami pa ang volume ng mga palay na kanilang mabibili sa mga magsasaka hanggang sa susunod na taon.