Pinangunahan ng National Food Authority ang pagbebenta ng P25 na halaga ng bigas kasabay ng isinagawang Serbisyong Iliganon Caravan sa Barangay Poblacion, Iligan City.
Ito ay pinangunahan ng LGU Iligan katuwang ang NFA – Lanao del Norte Branch Office.
Aabot naman sa mahigit 200 na katao ang nakapag avail ng murang bigas habang limitado lamang sa 4 na kilo ang mabibili kada indibidwal.
Sa isang panayam, sinabi ni Barangay Affairs Office (BAO) Division Head Marlon A. Caplano na nanatiling prayoridad ang mga residente para makapag-avail ng abot-kayang bigas.
Bukod dito ay mamamahagi rin ng libreng bigas ang Police Regional Office (PRO) 10 sa susunod na Serbisyong Iliganon Caravan.
Ito ay gaganapin sa barangay Mainit, Kalilangan, Dulag, Panoroganan, Lanipao, at Rogongon sa lungsod ng Iligan.