
Nag-umpisa na ang National Food Authority sa pagbili ng mga palay mula sa mga local farmers, gamit ang bago nitong presyuhan.
Maalalang itinakda noon ng National Food Authority Council ang bagong presyuhan na P23 kada kilo para sa tuyo, habang P19 kada kilo para naman sa basa o kaaaning palay pa lamang.
Paliwanag ni NFA Administrator Roderico Bioco,magiging agresibo ang NFA sa local procurement o pagbili ng mga lokal na palay.
Naunha na rin aniyang itinakda ng NFA Council ang Equivalent Net Weight Factor (ENWF) table para sa mga inaning palay ng mga magsasaka.
Ang ENWF table, ay nagsisilbing sanggunian o basehan para sa pricing scheme batay sa moisture content (MC), purity, damaged at discolored parameters sa klasipikasyon ng palay.
Ayon sa NFA Administrator, mayroon itong 267 buying stations sa buong bansa..
Lahat aniya ng mga ito ay agresibong bumibili ng palay sa mga local farmers para mapunan ang pangangailangan lalo na sa buffer stock ng naturang ahensiya.