Muling nagpahayag ang National Food Authority ng pagnanais na makapagbenta muli ng murang bigas sa publiko.
Sa interpelasyon ni Cavite Rep. Lani Mercado Revilla, nausisa ng mambabatas si NFA Director Larry Lacson kung may maitutulong ba sa ahensya kung maibalik ang kanilang kapangyarihan na makapagbenta sa mga palengke.
Ayon kay Lacson, malaking bagay ito upang magkaroon sila ng outlet na mailabas ang suplay ng bigas.
Sa ngayon kasi nakakapagbenta lang sila sa DSWD, Office of Civil Defense, at mga LGU kapag may panahon ng kalamidad at sa Kadiwa Centers.
Pero sa ngayon, inaalala nila ang nasa 5.4 million bags na naka imbak sa kanilang warehouse o katumbas ng 275,000 metric tons ng bigas.
Sabi pa ni Lacson, ang buffer stock na nito at sasapat para mapakain ang buong Pilipinas sa loob ng walong araw.