-- Advertisements --

Nakabili ng aabot sa P14-bilyon na halaga ng palay ang National Food Authority (NFA) noong nakaraang taon.

Sinabi ni Department of Agriculture (DA) Secretary William Dar, na sa nasabing halaga ay nahigitan na nila ang target nila noong nakaraang taon.

Nakasaad kasi sa Rice Tariffication Law, na hindi na papayagang umangkat pa mula sa ibang bansa ang NFA.

Tanging trabaho lamang nila ay ang magkaroon ng buffer stock na gagamitin sa emergencies, calamities sa pamamagitan ng pagbili ng mga palay mula sa mga local farmers.