-- Advertisements --
Ibinahagi ng National Food Authority (NFA) na nakabili sila ng nasa 2.2 milyon na sako ng palay sa mga lokal na magsasaka.
Ang nasabing bilang ay siyang magdadagdag ng national rice buffer ng bansa ng hanggang ilang araw.
Dinagdagan na rin nila ang maximum volume requirements para sa pagbili ng mga palay na mula sa dating 50 sako ay ginawa na nila itong 70 sako.
Ayon kay NFA administrator Larry Lacson na ang nasabing bilang ay katumbas na ng 6.861 milyon na mga sako ng bigas.