-- Advertisements --

VIGAN CITY – Tiniyak ng National Food Authority (NFA) na nakahanda silang tumulong sa mga magsasakang apektado ng El Niño phenomenon o ang labis na init ng panahon na sinabayan pa ng kaunting suplay ng tubig sa ilang lugar sa bansa.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Vigan, sinabi ni NFA officer-in-charge administrator Tomas Escarez na tuloy-tuloy ang pagbili nila ng produkto ng mga lokal na magsasaka para sa 30-days buffer stock sa bansa.

NFA OIC Tomas Escarez/ FB post

Ngunit inamin nito na sa ngayon ay wala pang direktiba mula sa Malacañang, maging sa NFA Council kung maaari na nilang ilabas ang mga stock sa kanilang bodega para sa iba’t ibang pamilihan.

Tiniyak ni Escarez na mayroon pa silang sapat na pondo na maaaring pambili sa mga produkto ng mga lokal na magsasaka nang sa gayon ay mabawasan ang kanilang problema hinggil sa kasalukuyang kalagayan ng panahon sa Pilipinas.

Una nang siniguro ng nasabing opisyal na tuloy ang operasyon ng kanilang tanggapan kahit na natanggal na sa kanilang ang regulatory powers sa pag-aangkat at pagbebenta ng bigas dahil sa pinirmahan ni Pangulong Rodrigo Duterte na Rice Tarrification Law.