-- Advertisements --

Tututukan ngayon ng National Food Authority (NFA) ang pagpapatupad ng P10-bilyong halaga ng modernization program sa loob ng ahensya para sa mas maayos na rice storages, pagppatayo ng mga bagong rice mills, at para magsagawa ng upgrades sa mga drying facilities para sa mas mataas na kita ng mga magsasaka.

Ang naging insyatibong ito ay mula sa mga pondo ng gobyerno mula sa mga allocations kung saan kabilang ang naturang proyekto sa P1.5 bilyong pisong pondoi na inilaan sa pagaayos ng mga warehouses ng NFA.

Ang P3.5 bilyong piso naman ay siyang ilalaan para sa pagdadagdag ng 800,000 metric tons na storage capacity sa mga warehouses sa susunod na taon.

Ayon kay NFA Administrator Larry Lacson, ang mga upgrades at ang ismong modernisasyon sa ahensya ay malaking tulong para sa mas magandang ani at mas maging maayos ang pagiimbak ng NFA ng bigas at palay.

Ani pa ni Lacson, ang mga pasilidad na ito ay maituturing na ‘game-changer’ para sa NFA.

Samantala, inaasahan naman ni Lacson na magiging operational ang mga modernization projects bago pa naman sumapit ang harvest season sa taong 2027.