Nilooban ng 3 armadong kalalakihan ang opisina ng National Food Authority (NFA) na nakabase sa San Fernando, Pampanga at nilimas ang hindi pa matukoy na halaga ng pera noong araw ng Huwebes.
Base sa inilabas na ulat ng kapulisan nito lamang nakalipas na araw na tinutukan ng baril ng mga armadong kalalakihan ang security guard at inagaw ang kaniyang baril saka iginapos gamit ang sintas ng sapatos at isinagawa na ng mga suspek ang pagnanakaw sa NFA provincial office sa Sindalan village sa pagitan ng ala-1:40 ng madaling araw at alas3:30 umaga.
Lumalabas sa inisyal na imbestigasyon na pinasok ng mga magnanakaw ang gusali sa pamamagitan ng pagbukas sa backdoor.
Pinuwersa ding buksan ng mga salarin ang 3 vaults sa loob ng storage room at nilimas ang di pa matukoy na halaga ng pera.
Samantala, dakong 4am naman ng parehong araw, 2 kalalakihan na armado ng baril ang nanloob sa isang convenience store sa Del Rosario village sa parehong lungsod sa Del Rosario kalapit ng Sindalan village.
Tinangay din ng mga suspek ang di pa natutukoy na halaga ng pera na nakalagay sa isang vault.
Kaugnay ng mga insidente ng panloloob sa siyudad, nagsagawa na ang kapulisan ng follow-up investigation kabilang ang pag-review sa cctv footage ng mga estblishimento malapit sa NFA office at convenience store para madakip ang mga kawatan.