Mananatili ang mataas na buying price ng National Food Authority (NFA) sa gitna ng epekto ng mga bagyong tumama sa bansa sa kasalukuyang cropping season.
Pagtitiyak ni DA Assistant Secretary Arnel de Mesa, mahalagang magamit ang naturang buying price upang magkaroon ng kumpetisyon sa pagbili ng mga local rice at hindi samantalahin ng mga trader ang kalagayan ng mga local farmer na naapektuhan sa magkakasunod na mga kalamidad, kasama na ang mahabang El Nino.
Basta’t wala aniyang pagbabago sa buying strategy ng NFA, magpapatuloy ang naturang presyuhan.
Pagtitiyak pa ng opisyal, hindi pa ubos ang pondo ng NFA habang mayroon ding sobrang pondo na natira noong nakalipas na taon na maaaring gamitin sa kasalukuyan.
Batay sa price range na ginagamit ng NFA, ang fresh o basang palay ay binibili mula PHP17/kg hanggang PHP23/kg; aPHP23/kg hanggang PHP30/kg para sa tuyo o dry palay.
Sa kasalukuyan, inaayos din aniya ang ilang mga post-harvest facilities kasama ang mga bodega, drying, at milling facilities, upang magamit sa mga bulto-bultong palay na binibili mula sa mga lokal na magsasaka.