-- Advertisements --

Patuloy na naghihintay ang National Food Authority (NFA) sa pagaanunsyo ng Department of Agriculture (DA) ng food security emergency for rice para mai-release na ang kabuuang 150,000 metric tons na bigas sa mga local government units at Kadiwa stalls.

Ayon kay NFA Administrator Larry Lacson, hindi umano nagkukulang ang NFA sa mga preparasyon para rito ay handang handa na maglabas ng bigas para makabiling mula ng mga mas bagong mga ani mula sa mga magsasaka.

Hindi pa rin kasi lumalapag sa lamesa ng DA ang resolusyon na nagrerekomenda sa pagaanunsyo ng food emergency for rice mula sa National Price Coordinating Council (NPCC).

Samantala, paliwanag din ni Lacson, patuloy din naman sa pakikipagugnayan ang departamento at si Agriculture Sec. Francisco Tiu Laurel Jr. sa NPCC para sa agarang deklarasyon nito.

Ani Lacson, naniniwala rin ang NFA na patuloy din ang ginagawang efforts ng DA para agad na maideklara na ito at nang umalwan din ang mga warehouses ng NFA para sa bagong paparating na ani.

Sa ngayon naman ay tuloy tuloy din ang mga programang inilatag ng NFA para sa mas maluwag na mga warehouses at makapagstock ng mas bago at fresh na mga bigas.