-- Advertisements --
Nakatakdang taasan ng National Food Authority (NFA) ang buying price ng mga palay.
Sinabi ni NFA Administrator Larry Lacson, na pinapamonitor nito ang nakarating na ulat sa kanila na ibinebenta ng mula P13 hanggang P14.00 sa kada kilo ang mga fresh o mga basang palay.
Sa kasalukuyan kasi ang NFA buying price ng wet palay ay nasa P18 hanggang P19 kada kilo habang ang dry palay ay nasa P23 kada kilo.
Maaring sa susunod na linggo ay tataasan na nila ang buying price ng mga palay kapag ma-berepika na bumagsak na ang mga ito.
Kapag napataas ang buying price ng mga palay ay magkakaroon ng P5,000 na dagdag na kita para sa mga magsasaka na siya ring magtutulak para sa mga traders na bumili ng palay ng mas mataas na presyo.