Kinumpirma ng pamunuan ng Department of Agriculture ang pagbebenta ng NFA rice simula sa susunod na buwan sa Metro Manila.
Ayon kay Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. , sa nasabing buwan ay aasahan na Ang abot kayang presyo ng NFA sa ilang merkado sa National Capital Region.
Ginawa ni Laurel ang anunsyo matapos na maaprubahan ng National Price Coordinating Council ang isang resolusyon na humihiling ng deklarasyon ng “Food Security Emergency for Rice” sa buong bansa.
Dahil sa naturang deklarasyon ay maoobliga ang NFA na maglabas at magbenta ng kanilang buffer stock sa mga kadiwa stores ng Department of Agriculture.
Nilalayon ng hakbang na ito na maging matatag ang presyuhan ng bigas sa bansa .
Target rin nito na paghandaan ang mga bagong lokal na bigas matapos na magsimula ang panahon ng anihan nito.
Tiniyak naman ni Sec. Laurel na sa kabila ng murang presyo nito kada kill ay disente pa rin ito .
Maaaring makabili ng NFA rice sa mga KADIWA ng Pangulo booth sa buong Metro Manila na aabot sa 150.