-- Advertisements --
Sisikapin ng National Food Authority na mapataas ang kanilang suplay ng Palay sa pamamagitan ng pagbili nito sa mataas na halaga sa mga magsasaka.
Layon nito na mapataas ang buffer stock ng ahensya na siya naman ipinamamahagi ng ahensya tuwing may kalamidad sa bansa.
Kung maaalala, itinaas na ng ahensya presyo nito sa pagbili ng Palay.
Maaari nang ibenta ng mga magsasaka ang kanilang aning Palay sa halagang ₱23 hanggang ₱30/kilo para sa dry Palay.
Papalo naman sa ₱19 hanggang ₱23/kilo ang presyo para sa wet Palay.
Sa isang pahayag, sinabi ni NFA Acting Admin Larry Lacson na naging matagumpay ang pagsisimula nito ng pagbili ng palay sa mga magsasaka kahapon.
Target rin ng NFA na maabot ang 300,000 MT ng palay sa loob ng taong ito.