-- Advertisements --

Nagsasagawa na ng restructuring process ang National Food Authority (NFA) para matiyak na hindi mawawalan ng trabaho ang kanilang mga empleyado.

Kasunod ito ng tuluyang pagsasabatas na ng Rice Tariffication Act.

Sinabi ni NFA officer-in-chard administrator Tomas Escarez, na aabot sa 400 na mga empleyado nila ang maaapektuhan ng nasabing batas na may kinalaman sa regulatory, licensing, registration at monitoring.

Base sa nakasaad sa batas na tanging trabaho lamang ng NFA ay matiyak na may sapat na buffer stock.

Tiniyak nito sa mga empleyado ng NFA na ang mga apektado sa batas ay magagawan nila ng remedyo para sila ay magpatuloy sa pagtatrabaho.