Kumpiyansa ang National Food Authority na sasapat ang supply ng bigas sa bansa ngayong 2025.
Sa kabila nito ay kinumpirma ng National Food Authority na nakatakda silang bumili ng 300,000 MT ng bigas ngayong taon.
Umaasa naman si Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. na maaabot ng bansa ang mataas na produksyon ng Palay ngayon taon.
Ayon sa kalihim, ang bilang ng bibilhing bigas ng NFA ay kaparehong bilang noong taong 2024 para mapunan ang 15 na araw na national consumption.
Ito ay bilang pagtalima na rin sa sinasabi ng inamyendahang Rice Tariffication Law.
Nakasaad sa naturang batas na kailangang mapanatili ng National Food Authority ang kanilang stock ng bigas sa pamamagitan ng pagbili ng palay sa mga lokal na magsasaka.
Kumbensido din ang DA na maaayos nitong maipatutupad ang mga estratehiya para maabot ang original target na 20.46 million metric tons ng Palay ngayong taon matapos na maibalik ang P10-billion budget cuts para sa rice program ng ahensya.