-- Advertisements --

Inanunsiyo ni seven-time Super Bowl champion Tom Brady ang kaniyang pagreretiro sa paglalaro.

Sa kaniyang social media, pormal na inanunsiyo ng 44-anyos na si Brady ang kaniyang pagreretiro.

Sinabi nito na tila wala na sa kaniya ang 100 porsyentong na nakatuon sa paglalaro kaya minabuti niyang magretiro na lamang.

Naniniwala kasi ito na kapag nakatuon ng 100% ang isang manlalaro ay doon ito magtatagumpay.

Nakaranas aniya ito ng physical, mental at emotional challenge sa mga nagdaang taon.

Sa loob aniya ng 22-taon na kaniyang paglalaro ay naibigay niya ang kaniyang makakaya sa laro.

Ipapaubaya na lamang niya ang nasabing sports sa mga bagong henerasyon.

Sa nasabing 22-taon na career nito ay anim na beses itong nagwagi ng Super Bowl titles noong ito ay nasa New England Patriots at isa naman noong ito ay nasa Tampa Bay Buccaneers.

Siya rin ang may hawak ng mga record na touchdwon passes na mayroong 624, all-time leader sa passing yards na aabot sa 84,520, Completions na mayroon 7,263, regular season wins na 243, playoff wins na 35 at Super Bowl Most Valuable Player na mayroong lima.

Pinasalamatan nito ang kaniyang nakasama sa koponan at pamilya nito.

Taong 2000 ng mapili bilang 199th overall sa ika-anim na round ng NFL draft ng Patriots at naglaro ito ng 20 seasons sa Foxborough.

Noong 2020 ay naging free agents siya at pumirma sa Bucs na doon dinala ang koponan sa unang Super Bowl wins.