Nagpasya na ang American football team na Washington Redskins na kanilang papalitan na ang kanilang pangalan at logo.
Kasunod ito ng banta ng kanilang mga sponsors na aalis kapag hindi papalitan ang logo at pangalan.
Ilang taon na kasi napi-pressure ang Washington-based team dahi sa pangalan na nakakasakit umano sa mga Native Americans.
Sinabi ni team owner Dan Snyder na mula pa noong pagkabata ay iniidolo na niya ang 87-anyos na koponan at ito pinangalanang Redskins noong 1933 noong ito ay nakabase pa sa Boston at nangako na hindi niya papalitan ang pangalan nito.
Hindi pa nila inilabas ang napiling ipapalit na pangalan subalit kanilang iaanunsiyo ang ipapalit sa Setyembre bago magsimula ang 2020 season.
Ilan sa mga pangalan na pinagpipilian ay Washington Senators, Washington Warriors at Washington Red Tails.
Hindi lamang ang NFL team ang unang nagpalit ng pangalan dahil noong 1995 ay pinalitan ng NBA team na Washington Bullets ang pangalan sa Wizards dahil tila may pagka-violente ang naunang pangalan ng NBA team.