-- Advertisements --

Naging matagumpay ang pagbabalik ni Cameroonian fighter Francis Ngannou sa mixed martial arts.

Ito ay matapos na mapagbagsak si Renan Ferreria sa unang round pa lamang sa kanilang heavyweight fight sa Professional Fighters League (PFL).

Ang nasabing laban na “Battle Of the Giants” na ginanap sa Saudi Arabia.

Sa simula pa lamang ay pinaulanan ni Ngannou ng mga suntok at sipa si Ferreria.

Inialay naman ni Ngannou ang kaniyang panalo sa namayapang anak niya.