Kinuwestiyon ng isang beteranong mambabatas ang motibo sa isinagawang pagdinig ng House Committee on Legislative Franchises kaugnay sa National Grid Corporation of the Philippines (NGCP).
Sinabi ni Cagayan de Oro Representative Rufus Rodriguez na walang rason para magsagawa ng pagdinig dahil compliant naman sa mga requirements ang transmission grid operator.
Ayon kay Rodriguez, batay sa pahayag ng BIR at ng House Ways and Means committee na walang tax liabilities ang kumpanya.
Dagdag pa ni Rodriguez na maging si Energy Regulatory Commission (ERC) chairperson Mona Dimalanta ay nagsabi na walang tax liabilities ang NGCP.
Compliant din ang NGCP sa kanilang 3% franchise tax.
Tanong pa ni Roriguez sa komite na target ba nito na ipalusaw ang 50-year franchise ng NCGP? dahilan isinagawa ang pagdinig.
Dinepensa naman ni Rodriguez ang NGCP mula sa mga kritisismo, dapat hindi umano ito sinisisi sa pagka antala sa five year delay ng Mindanao Visayas interconnection project dahil may mga isyu itong kinakaharap lalo na ang right of way na may golf course issues.
Nagpasalamat naman si Rodriguez sa NGCP sa pagkumpleto ng MVIP project at sinabing maraming mga kumpanya ang nagtatayo ng power generation plants sa Mindanao dahil maari na silang mag benta sa Luzon at Visayas kung mayruon silang excess capacity.
Maging si DOE Usec sharon garin ay nagsabi na hindi pwede isisi ang lahat sa NCGP lalo at marami pa ang pending na mga kaso na dapat aprubahan ng ERC.
Sa panig naman ni Philreca Party-List Rep. Presley C De Jesus winelcome naman ang pahayag ni Garin at sinabing unfair na ibuhos sa NGCP ang lahat ng sisi sa mga delayed na proyekto.
Binigyang-diin ni De Jesus ang kahalagahan ng continuity sa transmission proejcts
Ayon sa mambabatas layon natin na pababain ang presyo ng kuryente.