Mahalaga na mapanatili ang sapat na suplay ng kuryente nang sa gayon mapunan ang demand lalo na ngayong nararanasan ang El Nino Phenomenon o tag-init at tagtuyot sa ilang bahagi ng bansa.
Dahil dito hiling ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) ang mabilis sanang court resolution kaugnay sa Tuy- Dasmarinas project.
Nahaharap kasi ngayon sa expropriation cases ang NGCP na inihain laban ng property owners dahilan na delay ang construction ng proyekto.
Ang kamakailang pag-recall ng isang writ of possession ay lalong nagpapalala sa sitwasyon, na nagpapataas ng mga alalahanin tungkol sa mga proyekto at sa pagkumpleto nito.
Ang pag delay sa proyekto, apektado ang mga probinsiya ng Cavite at Batangas maging ang buong Luzon grid at maging ang mga interconnected regions.
Mahalaga kasi ang pagkumpleto ng nasabing proyekto para sa integration ng bagong power generation developments partikular sa Batangas na siyang magiging hub para sa renewable energy plants.
Binigyang-diin ng NGCP ang kahalagahan na bilisan ang court resolution, dahil ang nasabing proyekto ay kritikal para ma sustine ang economic growth ng bansa.
Mahalaga ang Tuy-Dasmarinas project para magkaroon ng sapat na suplay ng kuryente at mapanatili ang stability ng transmission system ng bansa.
Ayon sa NGCP, ang Batangas sa Southern Luzon ang itinuturing na generation hubs para sa malalaking renewable energy plants gaya ng solar at wind plants.
Ilan sa mga generation plants na ito ay kasalukuyang kino-construct na habang ang iba ay nasa “indicative” stage pa at target ma commission sa loob ng anim na taon.
” We have to remain ahead of the requirement of the system. Otherwise, we may face power interruptions to customers in parts of Metro Manila, North, and South Luzon. We hope for the expeditious settlement of these concerns lodged with the expropriation court so that we may complete the project soonest, and ensure the continued improvement of the country’s transmission system,” pahayag ng NGCP.