-- Advertisements --

Tiniyak ng pamunuan ng National Grid Corporation of the Philippines na hindi naapektuhan ng magnitude 7.1 na lindol ang kanilang serbisyo sa Davao Occidental.

Sa isang pahayag , sinabi ng NGCP na nanatiling intact at stable at stable pa rin ang Mindanao grid matapos ang naramdamang pagyanig.

Sinabi rin ng ahensya na walang naitalang power interruptions na maiuugnay sa nangyaring lindol.

Bukod dito ay wala ring naitalang pinsala o sira ang lindol sa kanilang mga transmission facilities.

Una rito ay sinabi ng PHIVOLCS na ang lindol ay walang inaasahang pinsala sa lugar.

Sa kabila nito ay posibleng magpatuloy ang mga aftershock kasunod ng pagyanig.