-- Advertisements --

Hinikayat ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) ang publiko na magtipid sa paggamit ng kuryente lalo nagyong holiday season.

Ayon sa ahensya dapat maging mas conscious sa paggamit ng kuryente ngayong panahon ng kapaskuhan,kasabay na rin ng mga napipintong preventive maintenance schedule ng generating plants.

Tuwing Christmas season kasi ay madalas na lumalaki ang konsumo ng publiko sa mga kuryente.

Kadalasan kasing nagagamit din ang lahat ng mga appliances na nakakadagdag sa laki ng kuryente ng isang sambahayan.

Ayon sa NGCP, isa sa paraan na maaaring ikunsidera upang makatipid ay ang pagpapatay ng swith o di kaya pag-unplug ng mga hindi ginagamit na appliances.

Nagbabala rin ang ahensya na inaasahan din ang pagtaas ng singil sa kuryente na epekto na rin ng panahon ng tag-init dahil sa epekto ng El Nino.