Hinimok ng Management Association of the Philippines ang National Grid Corporation of the Philippines na dapat “mapilit” na kumuha ng karagdagang “reserve power” upang maibsan ang inaasahang kakulangan na maaaring makaapekto sa mga botohan sa Mayo 9.
Dapat ding iugnay ng NGCP ang mga power plant na hindi pa konektado.
Kabilang sa iba pang mga rekomendasyon mula sa MAP ang pagpapatibay ng mga hakbang sa kahusayan ng enerhiya sa mga sambahayan, opisina at negosyo pati na rin ang pangmatagalang pagpapaunlad ng imprastraktura ng enerhiya ng pamahalaan.
Samantala, hinimok din ng MAP ang mga distribution utilities at electric cooperatives na maghanda o magsimula ng interruptible load programs (ILp) sa kani-kanilang lugar.
Nauna nang sinabi ng NGCP na naghahanda na sila para sa halalan.
Nagbabala ito sa manipis na supply ng enerhiya ngayong tag-init.