Iginiit ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) na sila ay tumatalima sa mga itinakdang protocol ng Energy Regulatory Commission (ERC) sa pagtugon sa malawakang power outage sa Panay dulot ng multiple plant shutdown.
Sa isang pahayag, sinabi ni NGCP National System Operations Head Clark Agustin., batay sa kanilang hawak na record at datos, walang nangyaring abnormalidad sa mga boltahe mula sa oras ng pag shutdown ng PEDC1 bandang 12:06pm at shutdown ng PCPC bandang 2:19pm noong January 2.
Aniya , batay sa Philippine Grid Code sa mga sandali o pagkakataong may wala sa planong power outage ng isang planta pero nananatiling stable ang system, malinaw na hindi maaaring magpatupad ng manual corrective intervention.
Layon nito na maiwasan ang anumang inaasahang pag-ulit ng naturang malawakang power outage.
Batay rin sa kanilang pag inspection, wala silang namataan na overloaded lines at walang tripping ng lines sa pamamagitan ng normal na dispatching at proseso.
Binigyang diin pa ng NGCP, walang system indication para gawing rason ang manual load drop o ang pagdidisconnect ng mga end-users tulad ng mga household, negosyo at industries sa sistema upang ma-regulate ang voltage sa unang dalawang oras ng power loss.
Malinaw aniya na paglabag ito sa Philippine Grid Code.