-- Advertisements --

Kinumpirma ng National Grid Corporation of the Philippines ang pagkakasira ng Lallo-Sta. Ana 69-kilovolt line sa lalawigan ng Cagayan matapos na manalasa ang bagyong Marce.

Una nang naglandfall ang naturang bagyo sa naturang probinsya dala ang malakas na ulan at hangin na sumira rin sa ilang mga kabahayan at infrastratura .

Batay sa data ng NGCP, naitala ang pagka sira sa naturang linya pasado alas 9:24 ng umaga ngayong araw na ito.

Matapos na maapektuhan ang nasabing linya, iniulat ng NGCP na nalawan ng suply ng kuryente ang CAGELCO II.

Nagpadala na rin ng mga tauhan ang NGCP para sa pagasasaayos ng mga nasirang linya.