-- Advertisements --
IMAGE © NGCP

Muli na namang isinailalim sa yellow alert ang buong Luzon Grid ayon sa bagong advisory na inilabas ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP).

Dahil dito, inaasahang manipis ang supply ng kuryente mula alas-2:00 hanggang alas-4:00 nitong hapon.

Batay sa inisyal na datos ng NGCP nasa 647-megawatts lang ang reserba ngayon ng Luzon grid.

Ito ay lubhang malayo mula sa 10,438-megawatt na expected peak demand.

Nauna ng nilinaw ng tanggapn at ilang ahensya na hindi magdudulot ng power interruption ang yellow alert.

Siniguro rin ng Department of Energy na sapat ang supply ng enerhiya sa buong bansa, gayundin na walang mangyayaring power interruption sa kabuuan ng tag-init sa kabila ng pagnipis sa reserba nito.

Ito na ang ika-anim na beses na isinailalim ng NGCP sa yellow alert ang Luzon Grid mula Marso.