CENTRAL MINDANAO-Naging saksi sina Kabacan Cotabato Municipal Mayor Herlo P. Guzman, Jr., Mun. Administrator Ben C. Guzman, MLGOO Ranulfo Martin, Sangguniang Bayan Councilor Datuan Macalipat at dating Brgy. Kayaga Kapitan Adziz Macalipat sa pagpupulong ng NGCP o National Grid Corporation of the Philippines Legal Counsel at sa legal counsel ng mga land owners na maaapektuhan sa isasagawang pagpapatayo ng substation.
Ayon kay Mayor Guzman, wala itong kakampihan sa pagitan ng dalawang panig bagkus ay para ito sa kaunlaran.
Aniya, kung kailangan ng magiging translator upang maintindihan ng mga may-ari ng lupa ay may maaari itong macontact.
Sa panig naman ng NGCP, kanila ng gustong simulan ang proyekto upang mas maging maayos na ang koneksyon ng kuryente hindi lamang ng Kabacan bagkus buog lalawigan ng Cotabato.
Batay sa legal counsel ng land owners, kanyang muling pupulungin ang mga may-ari kasama ang NGCP upang maipaliwanag ng husto ang mangyayari.
Sa huli, isa lamang ang nanaig at yun ay maitutuloy ang proyekto.