MANILA – Nag-abiso ang National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) hinggil sa mas mahabang “rotational blackouts” na posibleng maranasan sa ilang bahagi ng Luzon ngayong araw, June 1.
READ: Longer hours of blackouts are likely to be experienced in some areas of Luzon today.
— Christian Yosores (@chrisyosores) June 1, 2021
The NGCP announced longer "red alert" hours due to insufficient power supply. "Yellow alert" or thin power reserves is also expected for the entire day. | @BomboRadyoNews https://t.co/aNjQTKctdK
Batay sa pinakabagong advisory ng NGCP, makakaranas ng “red alert” ang mga lugar na sakop ng Luzon grid simula alas-10:00 ng umaga hanggang alas-5:00 ng hapon.
Babalik din ito mamayang alas-6:00 hanggang alas-10:00 ng gabi.
Nagdudulot ng rotational blackout ang “red alert” dahil kulang ang supply ng enerhiya sa mga powerplant.
Samantala, makakaranas din ng “rotational brownout” ang ilang bahagi ng Luzon dahil naman sa “yellow alert” o manipis na reserba ng kuryente.
Ayon sa NGCP, magsisimula ang yellow alert ng alas-9:00 hanggang alas-10:00 ng umaga; alas-5:00 ng hapon hanggang alas-6:00 ng gabi; at alas-10:00 hanggang alas-12:00 ng hatinggabi.
Sa pagtataya ng korporasyon, posibleng abutin ng 11,593-megawatts ang peak ng demand sa kuryente ngayong araw.
Higit ito sa available capacity ng Luzon grid na 11,408-megawatts.
Una nang sinabi ng Department of Energy (DOE) na nakaapekto sa yellow at red alert ang mataas na heat index kamakailan, maintanence work at biglaang outages sa malalaking planta ng kuryente, at mababang gas pressure mula sa Malampaya.
Inamin din ng ahensya na posibleng abutin ng ilang araw ang yellow at red alert sa Luzon.
Ngayong araw, nadagdagan pa raw ang mga plantang may outage ng kuryente.
DOE staff: The longer hours are due to the additional outages today. Our Power Bureau is currently consolidating and validating all information and reports. | @BomboRadyoNews
— Christian Yosores (@chrisyosores) June 1, 2021
“The longer hours are due to the additional outages today. Our Power Bureau is currently consolidating and validating all information and reports.”