-- Advertisements --

Nagbigay ng P1-bilyon na donasyon ang National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) sa gobyerno para sa paglaban kontra coronavirus disease 2019 o COVID-19.

Sa sulat ng kumpanya kay Pangulong Rodrigo Duterte, ang P500 million na halaga ay donasyon sa pamamagitan ng goods at medical equipment habang ang P500 million ay sa pamamagitan ng cash.

Pirmado naman ni NGCP president at chief executive officer Anthony Almeda ang nasabing sulat.

Ang nasabing mga kagamitan ay ibibigay sa mga medical staff at ibang frontliners na lumalaban sa COVID-19.