-- Advertisements --
Minamadali na ng National Grid Corporation of the Philippines ang pagsasaayos ng mga linya ng kuryente sa limang probisnya na naapektuhan ng bagyong Kristine .
Layon nito na maibalik ang normal na distribusyon ng kuryente sa lugar na hinagupit ng bagyo.
Ayon kay NGCP public relations officer Trish Roque, kabilang sa mga apektadong lalawigan ay ang Batangas, Camarines Sur, Pangasinan, Tarlac at Nueva Ecija.
Sa isang panayam, sinabi ni Roque na ang linya ng kuryente sa lalawigan ng Camarines Sur ay lubog pa rin sa baha .
Ilan sa mga apektadong lugar sa CamSur ay hindi pa rin mapasok dahil sa mga nakahambalang na mga punong kahoy sa daan at mga pagbaha.