-- Advertisements --

Pinayuhan ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) ang publiko na huwag magpakumpiyansa na walang mangyayaring power interruptions dahil sa tindi ng init ng panahon na nararanasan.

Sinabi ni NGCP Spokesperson Cynthia Alabanza, na makikipagpulong muna sila sa ilang stakeholders gaya ng mga generation at distribution bago magsagawa ng forecast sa init ng panahon.

Una ng sinabi ng Department of Energy nitong Enero na walang mararanasang anumang yellow o red alert sa mga susunod na buwan.

Dagdag pa ni Alabanza na hindi maipapangako ng NGCP kung walang anumang yellow o red alerts sa mga susunod na buwan dahil dumedepende ito sa mga paggenerate ng mga power plants na apektado ng mataas na temperatura.

Dahil dito ay pinayuhan ng Department of Energy (DOE) ang publiko na magtipid sa pagkonsumo ng kuryente lalo ngayong panahon ng labis ang init ng panahon.