-- Advertisements --

Nagbabala ang National Grid Corp of the Philippines sa mararanasang brownouts dahil nananatiling manipis ang reserba sa Luzon at Visayas grid.

Bunsod nito ayon sa NGCP epektibo ang Red alert sa Luzon grid ngayong araw mula kaninang 3pm hanggang 4pm at 6pm hanggang mamayang 10pm.

Habang ang yellow alert naman ay epektibo hanggang mamayang 10pm -11pm.

Ayon sa NGCP, nananatiling nasa forced outage ang 19 power plants habang 3 ang nasa derated capacity.

Ang available capacity naman sa Luzon grid ay nasa 13,594 megawatts habang ang peak demand ay inaasahang papalo sa 13,127MW.

Samantala, sa Visayas grid naman papairalin ang yellow alert hanggang mamayang 8pm.

Nasa 15 planta naman ang nasa forced outage habang 10 iba naman ay nasa derated capacity.

Ang available capacity sa Visayas ay nasa 2,614MW habang ang peak ng demand ay nasa 2,445MW.