Iniulat ng National Grid Corporation (NGCP) sa pagdinig ng Legislative Franchise committee na sa ngayon wala na silang delay sa mga system impact studies (SIS).
Paliwanag ni NGCP Spokesperson Atty. Cynthia Alabanza na kung mayruon pa man silang delay sa SIS ay ito ay nakapa loob pa rin sa time line na nakasaad sa ilalim ng regulasyon at ilan dito may nakita silang mis-alignment sa time line.
Sinagot din ni Atty Alabanza na nagbayad sila ng multa hinggil sa mga pending na proyekto.
Nilinaw naman ni Alabanza na may iba ibang dahilan sa pag-antala ng mga proyekto gayunpaman siniguro nila na makukumpleto ang mga nasabing proyekto.
Ipinagmalaki ni Alabansa, na sa kabila ng maraming hamon nagawa nila makumpleto ang pinaka malaking proyekto sa Visayas.
Siniguro naman ni Alabanza na makikipag ugnayan sila sa ERC para tugunan ang mga mis-alignment sa timeline.
Aminado si Alabanza na mayruon talagang regulatory delays na kinakaharap ang NGCP.
Tiniyak naman ni Alabanza na tinutugunan na ito ngayon ng NGCP para maiwasan ang delay sa actual implementation ng proyekto.
Nagsagawa ng pagdinig ngayong araw ang House Committee on Legislative Franchise kaugnay sa nangyaring malakawang brownout na nagkaroon ng malaking epekto sa sektor ng negosyo at ang mga proyekto na ginagawa ng NCGP.
Ayon kay House Committee on Legislative Franchise Chairman Rep. Gus Tambunting ang pagdinig ngayong ay continuation lamang kung saan nais nila mabatid ang katotohanan sa likod ng mga nangyaring brownout.
Kinukwestiyon kasi ang mga naantalang proyekto ng NGCP.
Kinumpirma ng ERC na pinatawanan nila ng multa ang NGCP dahil sa delay ng kanilang mga proyekto.
Ayon kay Tambunting nasa 37 na mga proyekto ang naantala kung saan 34 dito ay unjustifiable delays.