-- Advertisements --
Nanawagan ng tulong ang National Grid Corporation of the Philippines sa mga stakeholder at ilang opisyal ng gobyerno sa Negros Oriental.
Layon ng panawagan na ito na mapabilis ang pagsasagawa ng Amlan-Dumaguete 138-kiloVolt (kV) Transmission Line.
Sa pamamaraang ito ay mababawasan ang mga nagaganap na power interruption sa naturang lalawigan.
Paliwanag ng ahensya naging overloaded sa 69MW ang Amlan-Siaton 69kV line hanggang noong Abril 25.
Sakali aniyang hindi matapos ang naturang proyekto ay maaaring magkaroon ng localized manual load dropping o rotating power interruptions anumang oras sa nasabing lugar.
Inaasahang makukumpleto naman ito pagsapit ng Setyembre 2024.