-- Advertisements --
Patuloy ang isinasagawang monitoring ng National Grid Corporation of the Philippines sa kanilang mga transmission lines at mga pasilidad na posibleng maapektuhan ng bagyong Nika.
Kabilang sa mga dinaanan ng bagyo ay ang lalawigan ng Aurora at Isabela.
Samantala, sa ngayon ay wala pa silang naitatalang pinsala sa kanilang transmission lines at iba pang mga facilities.
Batay sa datos ng ahensya, as of 9am kaninang umaga ay normal pa ang operasyon ng kanilang mga grid.
Nakapaglatag na rin ang NGCP ng kaukulang mga precautionary measures bago pa man nanalasa ang bagyong Nika sa kalupaan ng bansa.