Nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng National Grid Corporation of the Philippines sa dahilan ng massive power blackout sa Western Visayas.
Sa panayam ng Bombo Radyo kay Mr. Reagan Alcantara, lead Specialist ng naturang transmission system operator, sinabi nitong may na-monitor na system disturbance 1:51 kahapon nang nahapon na nag-apekto sa Visayas Grid.
Ayon kay Alcantara, para maiwasan na masira ang equipment na maaaring maging dahilan nang mas matagal na power interruption, agad na pinatay ang iban pang mga equipment.
Ang apektadong mga lugar ay ang mga lalawigan ng Aklan, Antique, Capiz, Guimaras, Iloilo, at Negros Occidental pati na ang highly urbanized cities na Iloilo at Bacolod.
10:51 na nang gabi nang inanunsyo ng transmission system operator na na-restore na ang load na apektado ngManual Load Dropping sa Visayas grid at na-lift rin ang yellow alert.
Ipinalabas ang yellow alert dahil kulang ang operating margin at hindi umabot sa regulating at contingency requirement ng transmission grid.
Ayon pa kay Alcantara, kabilang sa external factors na iniimbestigahan na maaring nagdulot ng system disturbance ay ang panahon.